ikaw

ikaw1 merakicat - Misty Relos

ikaw lang ang bituin na nanatili sa langit ko
ikaw ang apoy na matagal ko nang hindi tinitigan
ikaw ang liwanag na inakala kong hindi para sa akin
ikaw ang lakas na sinabi nilang
masyadong malayo para abutin

pero mahal, lahat ng yon ay para sa ating dalawa
lahat ng sakit, luha, at bigat sa paglipas ng panahon
ay para makita natin ang isa’t isa ngayon